Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (Pilipinas)

Kilusan para sa Pambansang Demokrasya
Mga aktibong rehiyonPilipinas, Estados Unidos, Canada, Netherlands, Australia
IdeolohiyaKomunismo
Marxismo–Leninismo–Maoismo
Anti-imperyalismo
Nasyonalismong makakaliwa
Progresibo
Sosyalismo
Posisyong pampolitikakaliwa

Ang Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (Ingles: National Democracy Movement), o KPD, ay isang malawak na alyansa na nakabatay sa kaliwa at progresibong mga indibidwal at organisasyong naghahanap ng komprehensibong panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitikang hustisya sa Pilipinas na binubuo ng mga magsasaka na walang lupa, maralita sa lunsod at bukid, mga katutubong mamamayan, inaaping mga relihiyosong minorya, aktibista, manggagawa, kabataan, at mga mag-aaral.[1][2] Layon ng kilusan na matugunan kung ano ang kanilang itinuturing na mga ugat ng kawalang-katarungan na nakakaapekto sa masang Pilipino sa nasuri nila na isang semi-kolonyal at semi-pyudal na lipunan, sa pamamagitan ng pagharap sa tatlong pangunahing pangunahing problema ng imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo.[3]

Nais ng pambansa-demokratikong pakikibaka na makamit ang "tunay" na pambansang pagpapalaya para sa bansa at ang pagsasakatuparan ng mga demokratikong karapatan ng mamamayan[4] sa pamamagitan ng pagpapalayas ng dayuhang imperyalismo, mga panginoong maylupa, mga monopolyong kapitalista, at mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

  1. "Youth and Student Movement in the Philippines". Anakbayan-LA. Nakuha noong 12 Oktubre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Sounds of a New Hope (Trailer)". Sounds of a New Hope. tha illest 59. Nakuha noong 31 Disyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Guerrero, Amado (1979). "Philippine Society and Revolution" (PDF). Book. International Association of Filipino Patriots. p. 215. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011. {{cite web}}: Check date values in: |archivedate= (tulong)
  4. "About | Anakbayan". Nakuha noong 17 Oktubre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search